Kailangan natin ng Easter sa ating buhayKailangan natin ng Easter sa ating buhay

[EDITORIAL] Hard reset ngayong Easter

2026/04/06 11:29
Okuma süresi: 3 dk
Bu içerikle ilgili geri bildirim veya endişeleriniz için lütfen [email protected] üzerinden bizimle iletişime geçin.

Sa panahon ngayon ng gulo at kawalan ng katiyakan, kailangan natin ng Easter sa ating buhay. ‘Yan ang artwork ng Editorial na ito: ang papel ng pananampalataya sa harap ng realidad ng paghihirap, sigalot, at kawalan ng pakialam.

Isang hard reset, pagtatama ng napakaraming kamalian, ng pagwawagi ng kabutihan sa kasamaan, pagpapapanalo ng buhay sa kamatayan.

Pero para sa marami, mailap ang Easter ng pagkabuhay. Easter eggs are supposed to signify new birth. Simbolo rin ito ng ligaya sa pagtuklas na walang laman ang libingan ni Hesus.

Easter, Christianity, Filipino, Faith, Jeepney, Jeep, Life

Ililista namin dito ang tatlo hanggang apat na Easter egg na sana’y matuklasan natin sa ating lifetime:

Easter ng kapayapaan. Mailap ‘yan at simula nang pumutok ang giyera sa Ukraine, nadagdagan pa ng dalawa: ang giyera sa Gaza at giyera sa Iran. Humupa man ang sigalot sa Gaza (na nag-iwan ng mass displacement at major shortages para sa mga Palestinians), eto naman ang giyera sa Iran na yumanig sa mga ekonomiya ng buong mundo. Mas malala, sabi ni Pope Leo, nasasanay na raw ang mga tao sa karahasan, at dahil “resigned” na tayo dito ay nagiging “indifferent” o walang pakialam.

Easter ng kaliwanagan. Dito at sa Estados Unidos, patuloy na sinasamba ng malaking tipak ng populasyon ang mga strongmen tulad ni Rodrigo Duterte at Donald Trump. Kailan ba matatanto ng mga sumasampalataya sa “might is right” na masama sila sa kalusugan ng demokrasya? Case in point, war on drugs sa Pilipinas, at war on migrants ni Trump. And of course, ang pinakamalaking problema ngayon ng buong mundo: ang Iran at war na pinasok ni Trump nang walang cohesive blueprint, at ngayon, hindi niya matapos-tapos. 

Easter ng pagkakaisa. Alam ‘nyo bang na-bypass ng Estados Unidos ang maraming international consultation nang sumugod ito sa Iran? ‘Yan ang ipinagpuputok ng butse ng maraming mga alyadong bansa tulad ng Germany na pilit ngayong pinapasama ni Trump sa mga magse-secure sana sa Strait of Hormuz. Anong nangyari sa kapangyarihan ng United Nations? Hindi ba’t binuo ito matapos ang World War II upang mapigilan ang panibagong world war? Dito naman sa Pilipinas, polarized ang lipunan sa dalawang dinastiya — at malapit na ang showdown nila sa 2028. 

Sa isang episode ng In the Public Square, tinanong ni John Nery si Father Flavie Villanueva, “Does God take sides?” Takeoff point niya ang magkakatunggaling Misa sa Davao at Maynila sa unang anibersaryo ng pag-aresto kay Duterte. Sa Davao, pinamunuuan ni Archbishop Romulo Valles ang misang nagdasal para sa pagbabablik ni Duterte sa Pilipinas. Sa Maynila naman, pinangunahan ni Father Flavie ang misang nagdarasal para sa healing ng mga pamilya ng biktima ng giyera sa droga. Sabi pa niya: “If you do not give importance to your neighbor, to society and to human rights, you are the lowest kind of person in the world.”

At tila aligned si Villanueva kay Pope Leo ng Simbahang Katoliko na nagsabing: “[Jesus] does not listen to the prayers of those who wage war, but rejects them.”

Dagdag ni Leo, gamit ang isang quote mula sa Bibliya: “Even though you make many prayers, I will not listen: your hands are full of blood.” Tinitingnan itong patama sa mga opisyal ng US na gumamit ng Christian language para i-justify o bigyang-katwiran ang joint attack ng US at Israel sa Iran.

At kung ating pagninilayan ang pagkibo ni Santo Papa at ng activist priest na si Father Flavie, dadalhin tayo sa huling Easter egg: ang ating boses. Babalikan namin ang mga salita ni Father Flavie nang tumanggap siya ng Ramon Magsaysay award: “Compassion had to grow teeth. It had to speak.” – Rappler.com 

Sorumluluk Reddi: Bu sitede yeniden yayınlanan makaleler, halka açık platformlardan alınmıştır ve yalnızca bilgilendirme amaçlıdır. MEXC'nin görüşlerini yansıtmayabilir. Tüm hakları telif sahiplerine aittir. Herhangi bir içeriğin üçüncü taraf haklarını ihlal ettiğini düşünüyorsanız, kaldırılması için lütfen [email protected] ile iletişime geçin. MEXC, içeriğin doğruluğu, eksiksizliği veya güncelliği konusunda hiçbir garanti vermez ve sağlanan bilgilere dayalı olarak alınan herhangi bir eylemden sorumlu değildir. İçerik, finansal, yasal veya diğer profesyonel tavsiye niteliğinde değildir ve MEXC tarafından bir tavsiye veya onay olarak değerlendirilmemelidir.

$30,000 in PRL + 15,000 USDT

$30,000 in PRL + 15,000 USDT$30,000 in PRL + 15,000 USDT

Deposit & trade PRL to boost your rewards!